Binilanggo ng Pasakit

nina Kecy Casamayor, Rosalie Goles, Angel Gabrielle Hamblosa, at Abegail Lapinig
ng Grade 11 – St. Lorenzo Ruiz

Mula sa pagsikat ng araw at pagmulat ng mata,

Mula sa paglapat ng pluma’t pagkonsumo ng tinta,

Ay yaon ding simula ng pagbalik-alaala,

Sa marka ng pagkabigo’t paltos ng kahapo’y dala.

 

Tatlong daang taong pagkagapos at pagkailanggo,

Perlas ng Bayang Sinilanga’y kinamkam at tinago,

Sa lupaing tigang ,pagdanak ng dugo’y ‘di mahinto,

Ang tatak ng kamataya’y napamarka nga nang husto.

 

Sumapit ang araw na ‘di na kaya ang kalupitan,

Ang ating bandila’y itinaas sa may kalangitan,

Patuloy sa pag-awit kahit mayroong kaguluhan ,

Itinaboy ang takot at naghari ang kaguluhan .

 

Marawi, sa mga nangyari ikaw na ang magsabi

Sinong nagpabaya’t kayo’y nasawi, buksan iyong labi!

Sa pagkamula’t dito’y lungkot sa’ming puso’y papawi,

Ibaba ang armas , kapayapaa’y ipamutawi.

 

Mahigit pitong libong pulong ating pinagmulan,

Pagkabuklod-buklod isang wika ang dahilan,

Filipino! Wikang nagkalag sa ating pagkagapos,

Muling sisikat ang araw, bangungot ay matatapos.

 

*Ito ay kalahok sa patimpalak sa pagsulat ng tula para sa Buwan ng Wika, Kasaysayan, Sining, at Kultura, Agosto 2017.