Malaya bang Maituturing ang Bansa?

nina Patricia Coleen Liberato, Angelica Pascual, Maria Mikaela Pieza, at Kruza Vhryz Sison
ng Grade 11 – St. Lorenzo Ruiz

Malaya bang maituturing ang bansa,

Kung tayo’y bilanggo na ng ibang kultura?

Filipino ang ating sariling wika,

Ngunit iba ang ating sinasalita.

 

Malaya bang maituturing ang bansa,

Kung talamak ang krimen at panghuhusga?

Kung puro pagnanakaw ang ginagawa?

Pati kapwa’y niloloko’t dinaraya.

 

Malaya nga bang maituturing ang bansa,

Kung pagpapataya’y kabi-kabila?

Daan-daan na ang nagbuwis ng buhay,

Upang ang kapayapaa’y maialay.

 

Malaya nga bang maituturing ang bansa,

Kung puro panggugulang ang ginagawa?

Mga politikong nagtaksil sa bayan,

Ibinulsa pati kaban ng bayan.

 

Filipino ang ating sariling wika,

Tayo ay may bayaning tinitingala,

Winagayway natin ang ating bandila,

Ngunit malaya nga ba ang ating bansa?

 

*Ito ay kalahok sa patimpalak sa pagsulat ng tula para sa Buwan ng Wika, Kasaysayan, Sining, at Kultura, Agosto 2017.