Inang Bayan, Kaunti Pa

nina Jhoanna Mae Astilla, Anthony Guarin, Angelica Echano, Karlo Reyes, at Geanne Samson ng Grade 11 – St. Pedro Calungsod

Santong si Pedro Calungsod,

Pilipino’y tinaguyod.

Sakripisyo’y nasuklian,

Nagbigay ng karangalan.

 

Ilang buhay ang ‘binuwis,

Sa kalayaang ninais.

Ang mithing kapayapaan,

Inalay sa bayang mahal.

 

Mga barkong nakabantay,

Sa teritoryong inangkin.

Tayo ba’y malayang tunay,

Kung ang ati’y, kanila rin?

 

Diyalekto’y ‘di dahilan,

Kultura’y hindi batayan.

Pagkakaisa’y isulong,

Bawat isa ay tumulong.

 

May laya, wika’t kultura,

Kailan magiging ganap.

Ang hangad na kalayaan,

Inang bayan, kaunti pa.

 
*Ito ay kalahok sa patimpalak sa pagsulat ng tula para sa Buwan ng Wika, Kasaysayan, Sining, at Kultura, Agosto 2017.