Wika ng Bansang Pilipinas

nina Danico Danielle Orobia, Jon Manel Bernardo, Annabelle Lorraine Malic, at Oliver Bartolata ng Grade 11 – St. Dominic Savio

Balikan natin ang ating nakaraan,

At ang lahat ng ating pinagdaanan.

Nagmula sa hinagpis at kahirapan,

Nagising sa katotohanan, lumalaban.

 

At itong ating Perlas ng Silangan

Maraming paghihirap ang naranasan.

Isang islang inangkin ng dayuhan,

Ngunit bahagi ng ating karagatan.

 

Sa lahat ng pinagdaanang hinagpis,

Nakuha ang kalayaang minimithi,

Na hanggang ngayon ay hawak-hawak natin,

Na patuloy na nagbubuklod sa atin.

 

‘Di matapos na putukan at labanan,

Mga sinisigaw at hinaing ng bayan,

Ang maraming patayan at kaguluhan,

Lahat ng ito’y ating pinagdaanan.

 

Ngunit matapos ang kaguluhang ito,

At ang sandatang ating pinanghawakan,

Ang wikang malaya ay ating ginamit,

Malayang wika, wikang Filipinong ating nilalangit!

 

*Ito ay kalahok sa patimpalak sa pagsulat ng tula para sa Buwan ng Wika, Kasaysayan, Sining, at Kultura, Agosto 2017.

Wika, Tungo sa Landas ng Pagkakaisa

nina Jimmuel Fernando, Kienth Carlo Reyes, Jerica Espinosa, at Virginia Lee-Anne Ramirez
ng Grade 11 – St. Dominic Savio

Kaguluhan, karahasan, kahirapan at sakuna,

Mga pagyanig na sumira sa ating mga lupa,

Mga bagyong sumira sa yaman ng ating bansa,

At ang pagsakop sa Marawi ng mga terorista.

 

Naghirap at nasira ang mga ari-arian,

Ang mga mamamaya’y ‘di biro ang pinagdaanan.

Pinilit bumangon upang labanan ang kahirapan,

At dahil sa wika’y nagkaisa’t nagkaintindihan.

 

Iisang layunin ang gusting makamit sa’ting bansa,

Ang magkaroon ng bansang mapayapa at Malaya.

Ang pagkakaroon din ng malawak na pag-unawa,

At ang lahat ng iyan ay nagmula sa ating wika.

 

Nakabuo ng mga matitibay na samahan,

Napagkaisa ng bansang ating ginagalawan,

Hinding-hindi magpapatibag sa kahit sinoman,

Basta’t tayo ay nagtutulungan at nagmamahalan.

 

Iisang wika ang dahilan para matalos,

Kababayan nating nangulila’t naghihikahos,

Nagkakaisa para ang lahat ay maisaayos,

Dahil sa wika ang problema’y ating nairaos.

 

*Ito ay kalahok sa patimpalak sa pagsulat ng tula para sa Buwan ng Wika, Kasaysayan, Sining, at Kultura, Agosto 2017.

Binilanggo ng Pasakit

nina Kecy Casamayor, Rosalie Goles, Angel Gabrielle Hamblosa, at Abegail Lapinig
ng Grade 11 – St. Lorenzo Ruiz

Mula sa pagsikat ng araw at pagmulat ng mata,

Mula sa paglapat ng pluma’t pagkonsumo ng tinta,

Ay yaon ding simula ng pagbalik-alaala,

Sa marka ng pagkabigo’t paltos ng kahapo’y dala.

 

Tatlong daang taong pagkagapos at pagkailanggo,

Perlas ng Bayang Sinilanga’y kinamkam at tinago,

Sa lupaing tigang ,pagdanak ng dugo’y ‘di mahinto,

Ang tatak ng kamataya’y napamarka nga nang husto.

 

Sumapit ang araw na ‘di na kaya ang kalupitan,

Ang ating bandila’y itinaas sa may kalangitan,

Patuloy sa pag-awit kahit mayroong kaguluhan ,

Itinaboy ang takot at naghari ang kaguluhan .

 

Marawi, sa mga nangyari ikaw na ang magsabi

Sinong nagpabaya’t kayo’y nasawi, buksan iyong labi!

Sa pagkamula’t dito’y lungkot sa’ming puso’y papawi,

Ibaba ang armas , kapayapaa’y ipamutawi.

 

Mahigit pitong libong pulong ating pinagmulan,

Pagkabuklod-buklod isang wika ang dahilan,

Filipino! Wikang nagkalag sa ating pagkagapos,

Muling sisikat ang araw, bangungot ay matatapos.

 

*Ito ay kalahok sa patimpalak sa pagsulat ng tula para sa Buwan ng Wika, Kasaysayan, Sining, at Kultura, Agosto 2017.

Malaya bang Maituturing ang Bansa?

nina Patricia Coleen Liberato, Angelica Pascual, Maria Mikaela Pieza, at Kruza Vhryz Sison
ng Grade 11 – St. Lorenzo Ruiz

Malaya bang maituturing ang bansa,

Kung tayo’y bilanggo na ng ibang kultura?

Filipino ang ating sariling wika,

Ngunit iba ang ating sinasalita.

 

Malaya bang maituturing ang bansa,

Kung talamak ang krimen at panghuhusga?

Kung puro pagnanakaw ang ginagawa?

Pati kapwa’y niloloko’t dinaraya.

 

Malaya nga bang maituturing ang bansa,

Kung pagpapataya’y kabi-kabila?

Daan-daan na ang nagbuwis ng buhay,

Upang ang kapayapaa’y maialay.

 

Malaya nga bang maituturing ang bansa,

Kung puro panggugulang ang ginagawa?

Mga politikong nagtaksil sa bayan,

Ibinulsa pati kaban ng bayan.

 

Filipino ang ating sariling wika,

Tayo ay may bayaning tinitingala,

Winagayway natin ang ating bandila,

Ngunit malaya nga ba ang ating bansa?

 

*Ito ay kalahok sa patimpalak sa pagsulat ng tula para sa Buwan ng Wika, Kasaysayan, Sining, at Kultura, Agosto 2017.

Inang Bayan, Kaunti Pa

nina Jhoanna Mae Astilla, Anthony Guarin, Angelica Echano, Karlo Reyes, at Geanne Samson ng Grade 11 – St. Pedro Calungsod

Santong si Pedro Calungsod,

Pilipino’y tinaguyod.

Sakripisyo’y nasuklian,

Nagbigay ng karangalan.

 

Ilang buhay ang ‘binuwis,

Sa kalayaang ninais.

Ang mithing kapayapaan,

Inalay sa bayang mahal.

 

Mga barkong nakabantay,

Sa teritoryong inangkin.

Tayo ba’y malayang tunay,

Kung ang ati’y, kanila rin?

 

Diyalekto’y ‘di dahilan,

Kultura’y hindi batayan.

Pagkakaisa’y isulong,

Bawat isa ay tumulong.

 

May laya, wika’t kultura,

Kailan magiging ganap.

Ang hangad na kalayaan,

Inang bayan, kaunti pa.

 
*Ito ay kalahok sa patimpalak sa pagsulat ng tula para sa Buwan ng Wika, Kasaysayan, Sining, at Kultura, Agosto 2017.

Bansang Nagkakaisa, Gamit ay Isang Wika

nina Christian Madrid, Tattiana Leigh Cayari, Alexaj Mae Modelo, at Rubilea Anthonette Pangindian ng Grade 11 – St. Pedro Calungsod

Nakalipas ang limang taon, maraming pangyayari,

Ang naganap sa ating bansa na ‘di natin mawari.

Mga bagyo’t sakuna ay sumira sa’ting sarili.

Ating bansa ay nabuo mula sa pagkakahati.

 

Ang pagpapatalsik kay Punong Mahistradong Corona,

Ang pagpapaaresto kay Dating Pangulong Gloria,

Si Blessed Pedro Calungsod ay santong itinalaga,

Naganap noong dalawanlibo’t labindalawa

 

Ang paglindol sa Bohol at paghagupit ng Yolanda,

Ito’y lahat kasunod ng pandaraya sa sistema.

Pang-aapi sa magsasaka ng Hacienda Luisita,

Ito ay mga paghihirap na naranasan ng bansa.

 

Agawan sa teritoryo ng Tsina at Pilipinas,

Korapsyon at katiwalian, lahat ay inilabas.

Mga may pananaguta’y dapat humarap sa batas,

Gamot sa kanser ng lipunan, nasa’n nga ba ang lunas?

 

Ang mahal nating wika’y sa pagkakaisa gamitin,

Isang magandang hakbang, tanggol-wika’y ihahain.

Pagtutulunga’t pagbabayanihan ay palawigin,

Ating bansa’t wika, sariling atin, ito ay mahalin.

 
*Ito ay kalahok sa patimpalak sa pagsulat ng tula para sa Buwan ng Wika, Kasaysayan, Sining, at Kultura, Agosto 2017.

 

Reading of Honors

Text by Jonathan S. Lacson, Assistant for Formation, FPTI – ERDA Tech, Photos by Rowena B. Dela Cruz, Sponsorship Program Coordinator, FPTI – ERDA Tech

On June 28, 2017, the Fr. Pierre Tritz Institute – ERDA Tech community acknowledged the fourth-quarter and the annual academic awardees in school year 2017-2018. These students embody the ideal image of an ERDAnian who strives to become the best that he/she can be. Kudos to the awardees for their hard work and strong dedication to their studies and to their dreams in life.

 Fourth-Quarter Academic Awardees:

GRADE 10 – KALAYAAN

First Honors: Coleen Zaima Felix

Second Honors: Florence Kate De Leon, Owen Patrick Moral

Honorable Mention: Xian Juilliard Oquendo, Geanne Samson

GRADE 10 – KAPAYAPAAN

First Honors: Joyce Ann Busante

Honorable Mention: Ivann Matthew Azarcon, Harvey Jaze Dalmacio, Caitlin Anne Elise Bercilla

GRADE 11 – ST. PEDRO CALUNGSOD

First Honors: Karla Lizette Bolanos, Christ Anne Jovy Regonios

Second Honors: Alexis Agoncillo, Daryl Isabel Marcelo

Honorable Mention: Jerel Vien Aboy, Sofia Marie Misolas

GRADE 11 – ST. LORENZO RUIZ

First Honors: Charisse Lapinig, Mujahid Basiman

Second Honors: Jocelyn Adato, Shane Steffanie Allera

Honorable Mention: Giane Kyle Trajano, Zandra Loraine Quisao, Zachkia Angela Pascual, Mary Jorge Roncesvalles, Rachel Sofia Candoy

GRADE 11 – ST. DOMINIC SAVIO

Second Honors: Sonnie Boy Guevara, Ronalyn Tejada

Honorable Mention: Mark Jacob Funtalva, Nathaniel Joseph Santos, Francyne Jhaie Segovia, Gabriel Ignacio

Annual Academic Awardees:

GRADE 10 – KALAYAAN

Second Honors: Coleen Zaima Felix

Honorable Mention: Florence Kate De Leon, Geanne Samson

GRADE 10 – KAPAYAPAAN

First Honors: Joyce Ann Busante

Honorable Mention: Ivann Matthew Azarcon

GRADE 11 – ST. PEDRO CALUNGSOD

Second Honors: Christ Anne Jovy Regonios,

Honorable Mention: Alexis Agoncillo, Karla Lizette Bolanos, Daryl Isabel Marcelo, Erica La Torre

GRADE 11 – ST. LORENZO RUIZ

Honorable Mention: Charisse Lapinig, Mujahid Basiman, Jocelyn Adato, Shane Steffanie Allera, Rachel Sofia Candoy

GRADE 11 – ST. DOMINIC SAVIO

Honorable Mention: Gabriel Ignacio

It’s About Time

Six-Day Cycle

Text and Photo by Jonathan S. Lacson, Assistant for Formation, FPTI – ERDA Tech

Beginning school year 2017-2018, Fr. Pierre Tritz Institute – ERDA Tech is adopting the six-day cycle for its class schedule. This is composed of Day 1, Day 2, Day W (Wednesday, which has a fixed schedule of classes), Day 3, Day 4, and Day 5. The first day of classes, June 5, 2017 followed the Day 1 schedule, and so on. In case there will be a holiday or any other interruption of classes, the cycle will just continue with the next day on the line-up. This system prevents a particular day from being disadvantaged because of such interruptions. In the previous school years when the school observed the Monday to Friday schedule, the interruptions usually took its toll on the Monday and Friday classes. Thankfully, that problem is now a thing of the past. Another benefit of the cycle is that it makes possible an earlier dismissal time for the students (from 4:45 p.m. to 3:45 p.m.) which then allows more time for remedial classes, tutorial sessions, consultation meetings, practices and preparations for school events, and others. The implementation of the six-day cycle is yet another manifestation of the school’s firm commitment to become the best that it can be and to fulfill its vision and mission more effectively.

A Man on a Mission

Mr. Christian J. Bumatayo

Text by Jonathan S. Lacson, Assistant for Formation, FPTI – ERDA Tech, Photo by Rowena B. Dela Cruz, Sponsorship Program Coordinator, FPTI – ERDA Tech

Beginning school year 2017-2018, Mr. Christian J. Bumatayo joins ERDA Tech as the Assistant for Academics. He is the successor of Mr. Ernesto R. Chua, Jr. who is currently on leave. Seconded by Xavier School San Juan, Mr. Bumatayo has been in the field of education ever since he graduated from the University of the Philippines in Diliman in 2001. At Xavier, he taught high school English for ten years, after which he became the chairperson of the department. He then moved on to the Campus Ministry before coming over to ERDA Tech.

Mr. Bumatayo is no stranger to ERDA Tech. In fact, during the early 2000s, he was part of the team of Xavier School students, faculty, and staff that regularly went to the said school to conduct tutorials of ERDAnians under the Para Kay Kiko program. Today, he comes full circle as he returns to ERDA Tech. Aside from supervising the academic subject teachers, he will also teach English for Academic and Professional Purposes (EAPP) to two grade 11 classes, St. Lorenzo Ruiz and St. Dominic Savio.

Very much a welcome addition to the ERDA Tech community, Mr. Bumatayo shall play a key role as the school becomes a stand-alone senior high school this school year. His extensive experience in education and formation, together with his wit, sense of humor, and compassionate heart will truly benefit his colleagues as well as the ERDAnians.

Maligayang pagdating sa ERDA Tech, Ginoong Bumatayo! You are indeed a man for others, a man on a mission.

ERDAnians Write

LPU

Text by Jonathan S. Lacson, Assistant Principal for Formation, FPTI – ERDA Tech, Photo by Rowena B. Dela Cruz, Sponsorship Program Coordinator, FPTI – ERDA Tech

ERDA Tech students are not only very good when it comes to technical-vocational skills, but also in expressing themselves through the written word. Last month, four students: Jannah Mae Beltran and Joyce Ann Busante of Grade 10 – Kapayapaan, as well as Maezel Ann Wood and Xian Juilliard Oquendo of Grade 10 – Kalayaan  participated in a writing competition organized by the Lyceum of the Philippines University (LPU). Miss Chyryz Valiente, Filipino teacher, accompanied the delegation. The said contest consisted of essay and poetry writing. These students who are the pride of ERDA Tech were acknowledged in the general assembly for their accomplishment and for the inspiration they gave to the school community, specially to their fellow students, to keep on being the best that they can be.